^

Metro

Murder vs 2 pulis

- Rose Tamayo-Tesoro -
Kinokonsiderang lutas na ang kasong pagpaslang sa mediaman na si Albert Orsolino makaraang sampahan ng kasong murder ang dalawang gunmen nito na kapwa miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa panayam kay Supt. Napoleon Cuaton, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan City police, isinampa ang kasong murder sa Caloocan City Prosecutor’s Office laban kina JO2 Reynaldo Nicolas ng Navotas Municipal Jail at JO2 Ramon Rivera ng Cainta Municipal Jail.

Nabatid na tumugma ang cartographic skecth ng mga suspect sa orihinal na mga litrato ng mga ito ng suriin ang rank and file ng BJMP.

Ayon na rin sa pulisya, lahat ng mga ibinigay na diskripsyon ng mga saksi ay nagkatugma-tugma at pawang ang mga nabanggit na suspect ang itinuturong mga salarin sa pagpaslang kay Orsolino.

Naging positibo rin ang motibong personal vendetta makaraang mapatunayan na si JO2 Rivera ay kamag-anak ni Frank Sabe Jr. na nakaaway ni Orsolino noong nakaraang taon.

Si Sabe ay pinagbabaril at napatay noong nakalipas na Mayo 18, ng nagdaang taon at si Orsolino ang siyang pinagbintangan ng mga kaanak nito. Kinasuhan ng pamilya Sabe si Orsolino subalit idinismis din ng korte dahil sa kawalan ng kaukulang ebidensiya.

Bukod sa pagiging mediaman, barangay kagawad din sa kanilang lugar sa Tonsuya, Malabon si Orsolino.

Nabatid na hindi na matagpuan pa si JO2 Rivera na nag-AWOL matapos ang naganap na pagpaslang kay Orsolino.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang pamilya ni Orsolino dahil sa mabilis na aksyon sa naturang kaso.

Magugunitang tinambangan ng dalawang suspect ang biktima noong Martes ng umaga sa isang gasolinahan sa Caloocan City.

vuukle comment

ALBERT ORSOLINO

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAINTA MUNICIPAL JAIL

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PROSECUTOR

FRANK SABE JR.

NABATID

NAPOLEON CUATON

ORSOLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with