^

Metro

1 sa 4 na pumaslang sa brgy. captain, timbog

-
Nasakote ng mga tauhan ng pulisya ang isa sa apat na hinihinalang hired killer na responsable sa pagpatay sa isang brgy. chairman na pinagbabaril sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Las Piñas City, kamakalawa ng hapon.

Sa ginanap na press briefing sa Camp Crame, iniharap nina NCRPO chief Director Vidal Querol; SPD director Senior Supt. Wilfredo Garcia at Las Pinas Police chief Supt. Josephus Angan ang suspect na bugbog sarado sa taumbayan na si Llyod dela Cruz, 22, ng Brgy. Sto. Tomas, Infanta, Quezon.

Ayon sa mga opisyal, si dela Cruz ang sinasabing isa sa dalawang bumaril sa biktimang si Lino de Castro, brgy. chairman sa Almanza Dos, Las Piñas City at residente ng Gladiola St., TS Cruz Subdivision sa naturang lugar.

Nabatid na naganap ang pamamaslang sa biktima dakong alas-5:45 ng hapon sa tapat ng bahay nito.

Nakatayo umano ang biktima sa tapat ng kanyang bahay at nakikipag-usap sa ilang kaibigan nang paligiran ng apat na suspect at paulanan ng bala.

Agad na isinugod ang biktima sa Alabang Medical Center subalit hindi na ito umabot pa nang buhay habang mabilis na nagsitakas ang mga salarin.

Gayunman, nakorner ng mga taumbayan ang suspect na si dela Cruz na pinagtulung-tulungang gulpihin.

Patuloy pa ring sinisiyasat ang naturang kaso para malaman ang motibo sa likod ng isinagawang pagpaslang sa biktima. (Joy Cantos at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALABANG MEDICAL CENTER

ALMANZA DOS

CAMP CRAME

CRUZ

CRUZ SUBDIVISION

DIRECTOR VIDAL QUEROL

GLADIOLA ST.

JOSEPHUS ANGAN

JOY CANTOS

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with