^

Metro

Eskuwelahan grinanada

-
Wasak na gate at patay na aso ang naging pinsala makaraang hagisan ng granada ang isang pribadong paaralan sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Si Arnel Canero ang itinuturo ni Domingo Canero, may-ari ng Sto. Domingo Academy na naghagis ng granada sa naturang paaralan na nasa 262 Sto. Domingo St. Brgy. Holy Spirit, ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, ipinagtapat umano ni Domingo na matagal nang pinagtatangkaan ng anak niyang si Arnel ang kanyang buhay bunga ng madalas nilang pag-aaway.

Inireklamo din ni Domingo ang pagiging suwail na anak ni Arnel at ang pagsali nito sa fraternity. Nauna na umanong pinagtangkaan ng kanyang sariling anak ang kanyang buhay noong Mayo 2005.

Sa kabila nito, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya matapos na marekober ng pulisya ang isang sulat na naglalaman ng mga reklamo laban sa paaralan.

Nakapaloob sa sulat ang pagkondena sa paaralan sa patuloy na pagtanggap nito ng enrollees sa kabila ng kawalan ng permit sa eskuwelahan na mag-operate. (Doris Franche)

ARNEL

DOMINGO

DOMINGO ACADEMY

DOMINGO CANERO

DOMINGO ST. BRGY

DORIS FRANCHE

HOLY SPIRIT

QUEZON CITY

SI ARNEL CANERO

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with