Da Vinci Code, "strictly for adults" MTRCB
May 17, 2006 | 12:00am
Nagpalabas na kahapon ng desisyon ang Movie, Television and Review Classification Board (MTRCB) hinggil sa kontrobersiyal na pelikulang Da Vinci Code na nakatakdang ipalabas ngayon sa mga sinehan.
"Strictly for adults only!"
Desisyon ito ng MTRCB kasabay ng pagdideklarang Rated R lamang ang naturang pelikula at hindi maaaring ihanay bilang Rated X.
Sinabi ni MTRCB chairperson Ma. Consoliza La Guardia na pinayagan ng mga ito na ipalabas sa mga sinehan sa bansa ang nasabing pelikula subalit dapat na nasa tamang edad ang manonood nito.
Awtomatikong 18-anyos pataas lamang ang maaaring payagang makapasok at makapanood sa naturang pelikula na inilabas ng Columbia Pictures.
Samantala, sa kabila ng pagbibigay ng MTRCB ng R-18 sa pagpapalabas ng kontrobersiyal na Da Vinci Code, posible pa ring i-ban ito sa mga sinehan sa Maynila.
Ayon kay 2nd district councilor Roland Valeriano ipatutupad pa rin ng Manila City Council ang resolution na nagbabawal sa pagpapalabas sa naturang pelikula sa lahat ng mga sinehan sa lungsod sa darating na Huwebes.
Iginiit ni Valeriano na dapat na ipagbawal ang pagpapalabas sa pelikula sa Maynila dahil nagpapakita ito sa relihiyong Katoliko ng negatibong imahe.
Nilinaw naman ni Councilor Atong Asilo, bukod sa kanilang ipinasang resolution, mayroon ding Ordinance No. 7780 ang Maynila na nagbabawal sa pagpapalabas ng anumang obscene o immoral na pelikula kabilang ang taliwas sa moral, custom at paniniwalaang relihiyon at prinsiyo ng doktrina.
Iginiit pa nito na hindi pa rin huli ang lahat para sa MTRCB na suriing mabuti ang pelikula bagamat nagbigay na ito ng R-18 bago pa ito tuluyang maipalabas bukas. (Gemma Amargo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended