^

Metro

Socdem, sali sa imbestigasyon

-
Makikisali na rin sa imbestigasyon ang social democrats sa bansa upang masugpo ang insidente ng pagpatay ng umano’y grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga militanteng grupo.

Ito naman ang binigyan-diin ni National Security Adviser Norberto Gonzales, chairperson ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas bunsod na rin ng indikasyon na ang mga "underground armed communist" ang responsable sa pamamaslang sa mga miyembro ng NPA at iba pang militanteng grupo upang mawala sa kanilang landas ang mga itinuturing na "espiya" para sa gobyerno.

Ayon kay Gonzales, ang naganap na pagpatay ng CPP sa libu-libong miyembro nito noong 70’s at 80’s ay pagpapatunay lamang ng kawalang awa at walang pagpapahalaga sa buhay ng grupo ni Joma Sison.

Matatandaan na noong Huwebes lamang ay dalawang lider muli ng Bayan Muna sa Echague, Isabela ang inambus kung saan unang ibinintang sa military habang nawawala naman si Philip Limjoco na miyembro ng NPA. Lumilitaw sa talaan ng Bayan Muna na umaabot na sa 21 ang miyembro nila na napapaslang mula taong 2001. (Doris Franche)

AYON

BAYAN MUNA

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

ECHAGUE

GONZALES

JOMA SISON

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

PHILIP LIMJOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with