^

Metro

Witness sa treasure hunting sa PSBA, pinagbantaan

-
Tahasang sinabi ni Rodrigo Manangan, tumayong supervisor ng hunting expedition sa loob ng 15 taon sa Philippine School of Business Administration (PSBA) na nakakatanggap na ang kanilang grupo ng mga pagbabanta matapos na ilang sasakyan ang nakitang palibut-libot sa lugar ng kanilang safehouse.

Ayon kay Manangan, hawak nila ang plaka ng sasakyan na umiikot sa kanilang safehouse at maging ang kanyang pamilya ay kinausap na rin ng ilang lalaki na pawang nagpakilalang mga tauhan ng PSBA.

Ito’y matapos na isiwalat ng pitong construction worker ang umano’y nagaganap na treasure hunting sa PSBA na pinangungunahan ng Vice President for Finance ng kolehiyo na si Juan Lim at Presidente nito na si Atty. Benjamin Paulino.

Si Lim ay una nang kinuwestiyon ng ilang opisyal ng PSBA bunsod ng peke nitong dokumento na nagsasaad na mayroon siyang doctoral degree. Subalit sa records ng UST hindi nakatapos si Lim ng kanyang doctorate at wala itong karapatang maglagay ng Ph.D degree sa kanyang pangalan.

Sinabi ni Manangan na sinabihan pa umano ng grupo ni Lim ang kanyang kapatid na itigil na ang posibleng pagtestigo kung ayaw umano nitong may masamang mangyari sa kanyang pamilya.

Sa ngayon ay hawak na ng ilang opisyal ng PSBA ang endorsement ni Executive Secretary Eduardo Ermita kay DENR Secretary Angelo Reyes upang imbestigahan ang illegal treasure hunting sa loob ng naturang kolehiyo.

Nababahala din ang mga estudyante at ilang faculty member sa kawalang aksiyon ng pamunuan ng PSBA lalo pa’t naging ‘ampaw’ ang lupang kinatitirikan ng nabanggit na kolehiyo. (Doris Franche)

BENJAMIN PAULINO

DORIS FRANCHE

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

JUAN LIM

MANANGAN

PHILIPPINE SCHOOL OF BUSINESS ADMINISTRATION

RODRIGO MANANGAN

SECRETARY ANGELO REYES

SI LIM

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with