Bebot, binigti ng live-in partner
May 15, 2006 | 12:00am
Dala ng nakasusulasok na amoy, isang bangkay ng babae ang nadiskubre sa loob ng kanyang banyo na nakabigti kahapon ng umaga sa Pasig City.
Sa pangalang Gemma lamang nakilala ang biktima na tinatayang nasa 30-anyos at residente ng no. 3266 West Bank Road, Brgy. Rosario, Pasig City. Ang biktima ay nakaluhod sa banyo at may tali ng rice cooker cord sa kanyang leeg.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya laban sa live-in partner ng biktima na nakilala lamang sa pangalang Rudy na umanoy tumakas matapos ang insidente. Pagbabatayan ng pulisya sa manhunt operation ang larawang naiwan ni "Rudy".
Ayon kay PO3 Roger Baltazar ng Pasig City Police, dakong alas-9:10 ng umaga nang makatanggap sila ng report mula sa mga kapitbahay ng biktima bunga na rin ng mabahong amoy na nagmumula sa bahay nito.
Agad na humingi ng tulong ang mga residente sa pulisya upang mapasok ang bahay hanggang sa tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na tinatayang isang araw ng patay.
Napansin din ng pulisya ang nakasabog na gamit ng biktima kung kayat hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng pamamaslang.
Ayon sa ilang kapitbahay, may ilang araw din nilang naririnig ang biktima at si "Rudy" na nag-aaway hanggang sa mapansin nilang umalis na may dalang bag si "Rudy" at ipinad-lock ang bahay.
Dahil dito, posibleng nag-away ang biktima at si "Rudy" hanggang sa bigtihin ng huli ang una at saka mabilis na tumakas.
Lumilitaw na may tatlong linggo pa lamang naninirahan ang mag-live-in partner sa bahay na pagmamay-ari ni Leonardo

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended