^

Metro

Tsinoy trader, utas sa ambush

-
Isang Filipino-Chinese businessman ang binaril at napatay ng mga hindi pa nakikilalang mga suspect na kapwa sakay sa isang motorsiklo, kahapon ng hapon sa Quezon City.

Namatay habang ginagamot sa Capitol Medical Center ang biktimang si Hudson Chua, 42, matapos na magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa inisyal report ni Supt. Raul Petrasanta, hepe ng Quezon City Police District-Baler Police Station, naganap ang pamamaslang dakong alas-3:10 ng hapon sa Quezon Ave. Quezon City.

Kalalabas lamang ng biktima mula sa Westport Restaurant sa Quezon Ave. nang biglang lapitan ito ng mga suspect na sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Isa sa mga suspect ang bumaba at malapitang binaril ng dalawang ulit si Chua sa dibdib at saka mabilis na tumakas.

Hindi naman kinuha ng mga suspect ang anumang personal na gamit ng biktima kung kaya’t agad na iniaalis ng pulisya na hold-up ang motibo.

Ayon kay Petrasanta, nakikipag-ugnayan pa sila sa pamilya ng biktima upang malaman ang posibleng motibo ng pamamaslang. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

CAPITOL MEDICAL CENTER

DORIS FRANCHE

HUDSON CHUA

ISANG FILIPINO-CHINESE

QUEZON AVE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-BALER POLICE STATION

RAUL PETRASANTA

WESTPORT RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with