^

Metro

‘Bosero’ hulog mula 5th floor, dedo

- Doris Franche-Borja -
Hindi inakala ng isang construction worker na ang kanyang pamboboso ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan nang mahulog ito mula sa ika-limang palapag ng ginagawang gusali, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang si Augusto Amposa, 35, pansamantalang nanunuluyan sa kinukumpuning apartelle sa panulukan ng 13th Avenue at Main St. sa Cubao, QC.

Batay sa inisyal na ulat na isinumite ni PO2 Joselito Gagaza, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa 5th floor ng ACL Apartelle sa nasabing lugar.

Lumilitaw na bago naganap ang insidente ay nakita nilang mag-isang umiinom ng beer sa kanilang barracks sa ibaba ng apartelle ang biktima hanggang sa hindi nila ito napansin nang umakyat sa ikalimang palapag ng gusali.

Ayon sa mga kasamahan nito, mayroon umano silang inaayos na rooftop ng apartelle, gawain umano ng biktima na umakyat sa fire exit ng gusali upang mamboso.

Makailang ulit din nila itong pinagsabihan ngunit binalewala ng biktima ang kanilang tagubilin.

Sinabi ng mga awtoridad na posibleng dala ng kalasingan ay hindi napigilan ng biktima ang kanyang pamboboso hanggang sa madulas at mahulog.

vuukle comment

APARTELLE

AUGUSTO AMPOSA

AYON

BATAY

CUBAO

JOSELITO GAGAZA

LUMILITAW

MAIN ST.

MAKAILANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with