^

Metro

Telecom center sinalakay ng NBI

-
Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon ng tanghali ang isang sangay ng Wellcom Telecom sa isang mall sa Quezon City na sangkot sa pagpipirata ng mga kanta na idina-down load sa mga cellphones.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Manila Executive Judge Antonio Eugenio, pinasok ng mga tauhan ng NBI ang Wellcom bunga ng umano’y paglabag sa anti-piracy law matapos na magreklamo ang SONY BMG Music Entertainment, EMI Phils., Warner Music Phils. at MCA na major record labels at producer ng sound recording sa bansa.

Nabatid na ang Wellcom ay nag-aalok ng pagda-download ng MP3 songs at videos ng mga kilalang foreign at local artist na pagmamay-ari ng mga nabanggit na producers nang walang pahintulot ng mga ito.

Lumilitaw na may mga franchise ang Wellcom tulad ng Easycom Telecom sa Sta. Cruz, Maynila at Philcom Telecom sa Ortigas Center, habang umaabot naman sa 34 ang outlet nito sa buong bansa.

Iginiit ng NBI na kumpirmadong nag-o-offer ng kopya ng mga kanta at music video sa kanilang mga kostumer ang Wellcom kung saan may ibinibigay pa ang mga ito na VIP Membership program para makapag-avail ng kanilang discount. Gayunman, kailangan munang pumirma ng membership form at may bayad na halagang P600 upang mabigyan ng VIP membership.

Napag-alaman na ang hard driver ng Wellcom computers ay naglalaman ng daan-daang kanta ng mga local at foreign artists.

Dahil dito, sinamsam ng NBI ang isang CPU, card reader, safety box, monitor, power supply, speaker, key boards at bluetooth. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

EASYCOM TELECOM

MANILA EXECUTIVE JUDGE ANTONIO EUGENIO

MUSIC ENTERTAINMENT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ORTIGAS CENTER

PHILCOM TELECOM

QUEZON CITY

WELLCOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with