Ina pinalo ng pala at hollow blocks ng anak
May 11, 2006 | 12:00am
Labindalawang pulgadang tahi ang iniregalo ng isang anak sa kanyang ina sa nalalapit na pagdiriwang ng Mothers day makaraang hampasin ng una ng pala at paluin pa ng hollow blocks sa ulo ang huli nang magkaroon sila ng pagtatalo, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Ang suspect na sasampahan ng kasong frustrated parricide ng pulisya ay nakilalang si Oliver Yap, 33, habang nagpapagaling naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang kanyang biktimang ina na si Remedios Yap, 70, kapwa residente ng 16 Miguelito St., Paliparan, Brgy. Sto. Niño ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay Senior Inspector Jose Ogbac Jr., naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa harapan ng bahay ng mag-ina.
Nabatid na sinaway ng biktima ang suspect dahil sa paninira nito sa kanilang gate na humantong sa mainitang pagtatalo.
Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng pala ang suspect at inihampas sa mukha ng biktima. Hindi pa nakuntento ay kumuha pa ito ng kapirasong hollow blocks at inihampas sa ulo ng ina dahilan upang mawalan ito ng malay.
Agad namang naaresto ng rumespondeng pulisya ang suspect na ngayon ay nakapiit sa Marikina detention cell. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended