^

Metro

Pangasinan congressman biktima ng carjack

-
Muli na namang sumalakay ang big-time carjacking syndicate sa lungsod Quezon at ang pinakahuling biktima ay si Pangasinan Congressman Amado Espino sa Visayas Avenue, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PNP-Traffic Management Group (TMG) director Chief Supt. Errol Pan, dakong alas-9 ng gabi nang tangayin ng mga carjacker ang kulay puting Nissan Patrol ng kongresista na may plakang XRJ-620 sa harapan ng isang pharmacy sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Cesar Elipaso, driver ni Espino, ipinarada niya ang naturang sasakyan sa harap ng pharmacy para bumili ng gamot nang bigla siyang lapitan ng tatlong armadong suspect.

Sinabi pa ni Elipaso na agad siyang hinawakan sa kuwelyo ng isa sa mga suspect habang ang dalawa pa ay tinutukan siya ng baril at sapilitang kinaladkad pababa sa behikulo.

Sinabi ni Pan na tumagal lamang ng 2 hanggang 3 minuto ang ginawang pag-carjack subalit mahigit sa 30 minuto bago ito nai-report sa mga awtoridad kaya’t nabigo na silang mahabol pa ang mga suspects.

Nabatid na inutusan lamang ni Congressman Espino ang kanyang driver na bumili ng gamot nang mangyari ang insidente. Sinabi pa ng opisyal na inalerto na niya ang kanyang mga tauhan upang mabawi sa lalong madaling panahon ang sasakyan ni Espino at masakote ang mga carjacker. (Joy Cantos)

AYON

CESAR ELIPASO

CHIEF SUPT

CONGRESSMAN ESPINO

ERROL PAN

JOY CANTOS

NISSAN PATROL

PANGASINAN CONGRESSMAN AMADO ESPINO

QUEZON CITY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with