^

Metro

Ex-P/Capt. na bagman ng illegal bookies arestado

- Danilo Garcia -
Nabulgar ang umano’y matagal nang anomalya sa pagtanggap ng payola ng mga matataas na opisyales ng Philippine National Police (PNP) matapos na maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang retiradong kapitan ng pulisya na siyang "bagman" ng sindikato ng illegal na bookies sa Metro Manila sa isang operasyon sa Sta. Cruz, Manila.

Nakilala ang nadakip na si Ret. Capt. Onofre Reyes Jr., nagsisilbi ring protektor ng illegal bookies operator na si Erland Samson.

Sa ulat ng NBI-Special Task Force ni Director Reynaldo Esmeralda, una nang nakatanggap sila ng reklamo buhat kay Mandaluyong Rep. Benhur Abalos at sa Philippine Racing Commission ukol sa talamak na operasyon ng mga sindikato ng illegal na bookies sa ilang lugar sa Metro Manila.

Nakatanggap naman ang NBI ng impormasyon nitong Mayo 6 ukol sa pamamahagi ni Reyes ng payola sa iba’t ibang mga unit at opisyal ng pulisya sa may P. Guevarra St., Sta. Cruz. Dito nagsagawa ng surveillance operation ang NBI kung saan dinakip si Reyes matapos na makumpirma ang pamimigay nito ng payola sa isang hindi nakilalang kolektor ng PNP.

Nakumpiska sa suspect ang ilang mga envelope na may markang Station 4 na naglalaman ng P2,000; CIS Headquarters na may lamang P1,000; CIS Manila na may laman na P1,000; June Reyes na may lamang P1,000; DIID Sikatuna, P1,200; at NCR Col. Montenegro, P1,700.

Nakuha rin sa posesyon ni Reyes ang isang listahan ng mga unit at opisyales ng PNP na tumatanggap ng payola buhat sa kanya bilang protection money.

BENHUR ABALOS

CRUZ

DIRECTOR REYNALDO ESMERALDA

ERLAND SAMSON

GUEVARRA ST.

JUNE REYES

MANDALUYONG REP

METRO MANILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with