Sexy actress, utol nambugbog ng buntis
May 9, 2006 | 12:00am
Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng isang sexy actress na miyembro ng Viva Hot Babes at kapatid nito makaraang bugbugin umano ang isang 31-anyos na buntis na kanyang kapitbahay, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Kinilala ang mga suspect na sina Ericka Dabantes, mas kilala sa pangalang Hazel Espinosa; at kapatid nitong si Kem Avillar, residente ng #63 Hillview St., Cityland Townhouse, Brgy. Oranbo ng nasabing lungsod. Ang mga ito ay nahaharap sa kasong physical injuries, damage to properties at malicious mischief matapos na pagbabatuhin ang bahay at bugbugin ng mga ito ang biktimang si Fely Aquino, 31, travel agent at dalawang-buwang buntis.
Ayon kay SPO1 Geminer Tingne, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon nang magparada ng kotse ang bisita ni Espinosa sa tapat ng bahay ng biktima.
Kinausap umano ng biktima ang aktres at sinabing kung puwede ay ipalipat ang nakaparadang sasakyan dahil dumating na ang kanyang kapatid at walang mapaparadahan ng kanyang sasakyan.
Bigla na lang nagwala ang aktres at nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Para lamang matapos ang gulo ay pumasok na ang biktima at kapatid sa loob ng kanilang bahay.
Subalit pinagbabato pa rin ng aktres ang kanilang bahay, katulong pa ang kapatid na babae kaya napilitang muling lumabas ang biktima at kapatid nito upang pigilin sana ang ginawang pambabato ng mga suspect subalit bigla na lang umanong pinagsasabunutan ang buntis na biktima habang tinamaan naman ng bato sa kaliwang braso ang kapatid nito.
Natigil lang ang pag-atake nang magawang makatakbo ang mga biktima papasok na muli sa loob ng kanilang bahay at doon ay humingi ng tulong sa pulisya. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended