7 miyembro ng anting-anting gang, timbog
May 9, 2006 | 12:00am
Dinakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong miyembro ng isang "swindling syndicate" na puwersahang nagbebenta ng mga sanga ng puno at halaman na umanoy mga anting-anting sa Parañaque City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Alfredo Molina; Renato Ocenar, kapwa ng Bagont Tanyag, Taguig; Eduardo Reyes; Jessie Vital; Lenny Gutierrez, pawang residente ng San Jose, Antipolo City; Lorena Guarino at Alma Orag, kapwa ng Talaba II, Bacoor, Cavite.
Sa ulat kahapon ng NBI-National Capital Region, sinabi ng mga biktima na hinarang sila ng mga suspect sa isang mataong lugar sa Baclaran, Parañaque City nitong Mayo 3 kung saan binigyan sila ng libreng sabong panlaba at raffle ticket.
Napapayag naman sila ng isa sa mga suspect na pumasok sa isang tent kung saan nakapuwesto ang umanoy isang manghuhula. Muli umano silang binigyan ng isang maliit na sanga na umanoy magbibigay sa kanila ng suwerte ngunit hiningian ng P50 na donasyon. Muli naman silang hiningan ng P300 para naman sa isang kuwintas na umanoy isang anting-anting.
Ayon sa biktima, ayaw sana nilang magbigay ng pera ngunit natakot sila sa mga miyembro ng grupo na nakapaligid sa kanila. Isa sa mga biktima ang nagbigay pa ng P600 kapalit ng isang putol na kahoy na tinatawag na "sinag-araw" na magbibigay umano ng kapangyarihan.
Agad namang humingi ng saklolo ang mga biktima sa NBI na nagsagawa ng surveillance sa naturang lugar. Agad din namang naaresto ang mga suspect matapos na positibong kilalanin ng mga biktima.
Nakadetine ngayon sa NBI detention cell ang mga suspect at nahaharap sa kasong paglabag sa Article 318 ng Revised Penal Code (Other Forms of Deceit). (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended