^

Metro

3 katao todas sa amok

-
Tatlong lalaki kabilang ang isang magkapatid ang iniulat na nasawi makaraang bistayin ng bala ng isang nag-amok na lalaki sa pista ng birheng Nuestra Señora de Guia, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktimang nakilalang sina Edwin Namucod, 39; kapatid nitong si Esperajun Namucod, 41, OFW at si Jose Nap Villafuerte, pawang residente ng Almeda St. Tondo, Manila.

Ginagamot naman ngayon sa Quezon City General Hospital dahil sa tinamong saksak at bugbog sa taumbayan ang suspect na si Dexter Herrera, 34, ng Yuseco St., Tondo.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo sa gitna ng inuman ng mga biktima at suspect. Nakainitan umano ni Herrera ang kapitbahay nilang si Rommel Talab ngunit napayapa naman agad ang mga ito.

Muli namang nilusob ni Herrera ang bahay ni Talab na armado ng isang baril ngunit nagalit ito nang hindi makita ang hinahanap.

Niyakap naman ng biktimang si Edwin ang suspect upang mapayapa subalit inakala naman ng huli na pinagtutulungan siya kaya nagpipiglas at walang habas na namaril.

Nang maubusan ng bala, nagtatakbo patungo sa isang eskinita si Herrera ngunit dito ito inabutan ng mga galit na kamag-anak ng mga biktima at iba pang taumbayan kung saan pinagtulungan itong bugbugin at saksakin.

Nasa kritikal na kondisyon si Herrera na nahaharap din sa kasong multiple murder. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALMEDA ST. TONDO

DANILO GARCIA

DEXTER HERRERA

EDWIN NAMUCOD

ESPERAJUN NAMUCOD

HERRERA

HOMICIDE SECTION

JOSE NAP VILLAFUERTE

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

NUESTRA SE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with