10 rugby boys arestado
May 8, 2006 | 12:00am
Arestado ang sampu katao kabilang ang dalawang menor-de-edad makaraang maaktuhan ang mga itong sumisinghot ng rugby sa isang bahay kamakalawa ng hapon sa Marikina City.
Kinilala ang mga suspect na sina Jeffrey Danga, 22; Ronilo Manicane, 21; Zusimo Virino, 19; Brian Armero, 20; Gerald Paluyo, 18; Arnel Bardaje, 21; Reggie Daylo, 18; Pearlyrose Carvajal, 23 at dalawang menor-de-edad na 12 at 17-anyos.
Ayon kay Sr. Insp. Jose Ogbac Jr., hepe ng Criminal Investigation Division ng Marikina police, naganap ang insidente matapos na magsagawa ng raid ang kagawad ng pulisya dahil sa natanggap na ulat na ginagawang tirahan ng rugby ang isang bahay na pag-aari ng isa sa supsect na si Jeffrey Danga na matatagpuan sa Purok 6 Brgy. Malanday ng lungsod na ito.
Dakong alas-3:45 ng tumulak ang pulisya sa nasabing lugar at inabutan doon ang mga suspect habang nasa aktong sumisinghot ng rugby kaya hindi nakapalag ang mga ito ng arestuhin ng mga kagawad ng pulisya.
Nang siyasatin naman ng pulisya ang loob ng bahay ni Danga ay nakakuha ang mga ito ng isang 9mm. na kalibre ng baril, mga bala nito at issue ng Philippine National Police (PNP), ilang bote ng rugby at mga plastic na pinaglalagyan sa pagsinghot.
Inaalam pa ng pulisya kung kaninong baril ang natagpuan sa loob ng bahay ni Danga habang kasalukuyang nakapiit sa Marikina City Jail ang mga ito at sinampahan ng kaukulang kaso. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest