3 kilabot na holdaper, timbog
May 8, 2006 | 12:00am
Arestado ang tatlong kilabot na holdaper na nambibiktima ng mga pasahero nang magsagawa ng checkpoints ang mga tauhan ng Quezon City Police District-Baler Police Station sa nabanggit na lungsod.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspect na sina Jimmy Dino, 38, driver ng no.4 Hermosa St. Brgy. Paltok, Q.C.; Allan Ocampo, 38, driver ng no. 4 Deparo St. Bagombong, Caloocan City at Ceferino Zapata, Jr., 52, miyembro ng BCJ at naninirahan sa no. 41 Tagaytay St. Caloocan City.
Lumilitaw sa imbestigasyon na dakong ala-1 ng madaling-araw nang magsagawa ng checkpoint at pahintuin ng mga awtoridad ang pampasaherong jeep na naka-alarma hinggil sa report ng holdapan.
Ayon kay Supt. Raul Petrasanta hepe ng Baler Police Station, sa halip na huminto ay pinasibat pa ng mga suspect ang kanilang jeep na nagresulta ng habulan.
Habang iniimbestigahan, nakuha sa mga suspect ang isang paltik, patalim at tatlong sachet ng shabu.
Sinabi pa ni Petrasanta na ang tatlo ay pawang mga kilabot na holdaper sa lugar na nambibiktima ng mga pasahero na may rutang Proj. 8 at Frisco.
Modus operandi ng mga suspect ang magpanggap na mga pasahero hanggang sa magdeklara ng holdap sa sinasabing lugar.
Bunsod nito, inaalerto ng pulisya ang mga commuters laban sa mga kahina-hinalang mga holdaper at snatcher na gumagala sa lungsod Quezon.
Bunga nito, bukod sa kasong robbery hold up kakasuhan din ng paglabag sa RA 9165 at RA 8294 ang tatlong suspect. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest