^

Metro

1 pang salvage victim, natagpuan

-
Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at itinali pa ng packing tape ang mga kamay ng isang hindi pa nakikilalang lalaking pinaniniwalaang biktima ng salvage na natagpuan kahapon ng umaga sa Taguig City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente sa C-6 Road, Bagong Calzada, Brgy. Ususan ng nabanggit na lungsod ang bangkay.

Tinatayang nasa 5’5 talampakan ang taas ng biktima, crew cut ang gupit, mataba at nakasuot ng pulang short.

Malaki ang hinala ng pulisya sa ibang lugar pinaslang ang biktima.

Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinagawa ng mga awtoridad ukol dito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGONG CALZADA

BRGY

ISANG

LORDETH BONILLA

MALAKI

TADTAD

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

TINATAYANG

USUSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with