Ari ni misis winakwak ni mister
May 7, 2006 | 12:00am
Dala ng labis na panibugho, pinagsasaksak ng screw driver ni mister ang ari ng kanyang misis hanggang sa ito ay mamatay, kamakalawa sa Makati City.
Patay na nang madiskubre sa kanilang bahay ang biktima na si Rosalie Claberia, 43, habang agad namang naaresto ang mister nitong si Julian, 53, ng 165 U-10 Zone 4, 22nd Avenue, Brgy. East Rembo ng nasabing lungsod.
Sa ulat ni PO2 Ador Robles, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng mag-asawang Claberia. Nauna rito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa paghahamunan ng hiwalayan.
Napag-alaman na matindi ang pagseselos ni mister kay misis at kumpirmado nito anya ang panloloko ng kanyang maybahay matapos nitong maaktuhan na kasama ang kalaguyo.
Tumangging magbigay ng anumang pahayag ang kaanak ng biktima at anila, bahala na ang pulisya sa isasagawang imbestigasyon.
Ilang kapitbahay naman ang nagsabi na wala silang nakikitang lover ang misis at sadya lamang seloso umano ang mister nito.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspect.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended