Ayon kay OM Director Cristina Padolina, natukoy na nila kung sino ang staff ng ospital na responsable sa pagsusunog ng bangkay sa likod ng kanyang tanggapan, kapalit ang pagbebenta ng mga timba na kinalalagyan ng mga patay.
Nilinaw ni Padolina na kasalukuyan na nila itong iniimbestigahan subalit tumanggi itong banggitin ang pangalan ng staff na aniya ay nakatalaga bilang utility worker sa Clean Dept.
Nabatid na natuklasan ang pagsusunog ng bangkay sa bakanteng lote ng ospital nitong Mayo 1 at halos nasa likod lamang ito ng opisina ni Padolina kung saan nakunan ng aktuwal na video ng ABS-CBN. Subalit iginiit ni Padolina na isa lamang itong isolated case at hindi totoong matagal nang may nagaganap na pagsusunog ng bangkay sa ospital at wala rin umanong ibang intensiyon ang staff sa mga bangkay kundi itapon lamang ito at sunugin upang hindi mapakinabangan at maibenta ang gamit na timba.
Hindi naman masiguro ng pamunuan ng Ospital ng Maynila kung ilang bangkay na ang nasunog ng naturang staff mula nang matuklasan ang pangyayari. (Gemma Amargo-Garcia)