^

Metro

3 holdaper silat sa taekwondo student

-
Walang nagawa ang tatlong notoryus na miyembro ng holdup/ robbery gang na naaresto makaraang manlaban ang isang 13-anyos na taekwondo student sa panghoholdap ng grupo ng una sa huli, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspect na sina Manuelito Hitungo, 17; Arnel Bagobo, 18, kapwa residente ng Potrero, Malabon at Angel Cruz, 27, ng Maypajo, Caloocan City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:20 ng hapon ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension sa nasabing lungsod.

Nabatid na kagagaling lamang ng biktimang si Joseph Steven Macaraig, ng Asuncion St., Morning Breeze, Caloocan City sa kanyang taekwondo class nang biglang lapitan ng nag-aabang na mga suspect at saka nagdeklara ng holdap.

Hinatak ng mga ito ang back pack ng una na naglalaman ng kanyang MP3, cellular phone at wallet. Hindi naman nasiraan ng loob ang biktima at mabilis na inagaw nito ang mga patalim ng suspect at binigyan ng mag-asawang flying kick.

Nakatawag pansin naman sa mga nagpapatrulyang pulis ang nangyaring komosyon kaya mabilis na sinaklolohan ng mga ito ang biktima. Nadakip ang mga suspect na sinasabing notoryus na mga holdaper sa lugar. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANGEL CRUZ

ARNEL BAGOBO

ASUNCION ST.

CALOOCAN CITY

JOSEPH STEVEN MACARAIG

MANUELITO HITUNGO

MORNING BREEZE

RIZAL AVENUE EXTENSION

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with