Hapon todas sa holdaper
May 4, 2006 | 12:00am
Pinaniniwalaang biktima ng robbery hold-up ang isang Japanese na pinagsasaksak at napatay habang naglalakad kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Dead on arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Koichi Sugiyama ng no. 4456 Montojo St. Brgy. Singkamas, Makati City matapos na magtamo ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas 3:05 ng madaling araw sa panulukan ng Montojo at Pasong Tirad, Brgy. Tejeros ng nasabing lungsod.
Naglalakad ang biktima nang biglang sumulot sa harapan nito ang suspect at walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang una.
Sa teorya ng pulisya, posibleng hinoldap ng suspect ang biktima na nanlaban hanggang sa pagsasaksakin ito ng una. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am