^

Metro

Casino sa QC ‘no way!’ – Coun. de Guzman

-
Tiniyak ni Quezon City 3rd District Councilor at Assistant Majority Floor Leader Dante de Guzman na hindi papayagan sa lungsod ang operasyon ng internet casino bagama’t may business permit ang mga nagnenegosyo nito.

Ang paniniyak ay ginawa ni de Guzman bunsod na rin ng pagbabawal sa lungsod ng operasyon ng kahit na anong uri ng sugal na nakasaad sa QC Charter na walang pinahihintulutang anumang uri ng sugal.

Ayon kay de Guzman iligal ang operasyon ng mga internet casino kung kaya’t iligal din ang mga inisyung business permit sa mga ito bagama’t pinayagan na ng city council ang operasyon nito.

Sa katunayan aniya, ay inutos ni QC Mayor Feliciano Belmonte ang pagpapatigil sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) matapos na mabigo ang may-ari nito na makapagpakita ng business permit.

Lumilitaw na umaabot sa 14 internet casino ang binigyan ng permit ng QC Permit and Licensing Office na ilan dito ay ang WR Gaming Entertainment Corp., Running Mate Inc., Pwersun Corp., Big Game Inc., Lucky 321 Corp. (Angie dela Cruz)

ASSISTANT MAJORITY FLOOR LEADER DANTE

BIG GAME INC

DISTRICT COUNCILOR

GAMING ENTERTAINMENT CORP

GUZMAN

MAYOR FELICIANO BELMONTE

PERMIT AND LICENSING OFFICE

PWERSUN CORP

QUEZON CITY

RUNNING MATE INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with