Lolo, inatake habang naliligo sa Manila Bay
May 3, 2006 | 12:00am
Hindi na nakaahon ng buhay sa Manila Bay ang isang 67-anyos na lolo matapos na atakihin sa puso kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.
Patay na nang idating sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Alfredo Sumaban, ng Brgy. 649, Blk. 17 Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng MPD-Homicide Section na natagpuan ang lumutang na bangkay ng biktima dakong alas-10 ng umaga na tinaboy sa dalampasigan ng Manila Bay.
Nabatid na naligo sa dagat ang biktima kahapon ng umaga nang bigla na lamang itong atakihin sa puso.
Tinangka pa ring dalhin ng kanyang mga kamag-anak ang biktima subalit nalagutan na rin ito ng hininga. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended