^

Metro

Inaway ni Ate, binata nagbigti

-
Winakasan ng isang 17-anyos na binata ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na awayin ng kanyang kapatid, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang biktimang si Daryl Topang, ng #5 Salve Compound, C. Namie St., nabanggit na lungsod ay wala nang buhay nang matagpuan ng kanyang bayaw na si Arnold Aranilla, mister ng kanyang nakaaway na ate, dakong alas-8:30 ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon na isang electrical cord ang ginamit ng biktima sa pagbibigti na itinali sa steel grill ng dirty kitchen ng kanilang bahay, habang ang dulo naman nito ay ipinulupot sa kanyang leeg.

Bago ang pagkakatagpo sa bangkay ay unang nagkaroon ng pag-aaway sa pagitan ng una at nakatatandang kapatid nito na si Joyce sa hindi nabatid na dahilan.

Matapos ito ay dali-daling nagkulong sa kuwarto ang biktima hanggang sa isagawa nito ang pagpapakamatay. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ARNOLD ARANILLA

CALOOCAN CITY

DARYL TOPANG

KANYANG

LUMALABAS

MATAPOS

NAMIE ST.

ROSE TAMAYO-TESORO

SALVE COMPOUND

WINAKASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with