P1.25 dagdag pasahe, ikakasa ng FEJODAP
May 3, 2006 | 12:00am
Isasampa ngayong umaga ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag na P1.25 na minimum fare at 50 sentimo na dagdag sa succeeding kilometer.
Sakaling maaprubahan ang hiling ng grupo, magiging P8.75 na ang minimum fare sa mga pampasaherong jeep sa buong bansa partikular sa Metro Manila.
Ayon kay FEJODAP President Zenaida Maranan, umaabot na sa P34.75 ang halaga ng krudo bawat litro kung saan inaasahan din nila ang oil price increase sa Biyernes.
Sinabi ni Maranan na ang kanilang petisyon ay bunsod na rin ng pagtataas ng halaga ng gasolina, bilihin at spare parts. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended