Rosas na rebolusyon, titingkad ngayon
May 1, 2006 | 12:00am
Bilang pagdiriwang sa ika-33 anibersaryo ng pagkatatag ng Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), dadalhin ng mga social democrat ang kanilang panawagan ng sanlipunang rebolusyon sa pusod mismo ng pamayanan ng mga maralita at ordinaryong Pilipino.
Sa pangunguna ni National Security Adviser Norberto Gonzales, ang chairperson, magsasagawa ng rally ang partido kasama ang multi-sektoral na kilusang Aksyon Sambayanan (AkSa) sa Del Pan Sports Complex, Maynila sa buong umaga ng Labor Day na may hawak na rosas.
Magbibigay ng tugon sa panawagan para sa tunay na pagbabago ang mga kinatawan ng tagapagtanggol ng demokrasya tulad ng simbahan, armadong sandatahan at kapulisan ng bansa, mga progresibong pulitiko at propesyunal, maliban sa mga batayang sektor na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka, maralitang tagalungsod, kababaihan at iba pa.
Ilan sa itinutulak ng grupo ay ang electoral reform at ang pagbalasa sa COMELEC. Bagamat hindi nila masyadong isinusulong ang peoples initiative para sa charter change, kinatigan ito ng grupo bilang pagsubok sa people power.
Pangunahing sinusuportahan din ng mga socdem ang puspusang pagbuwag sa armadong komunistang rebelyon sa bansa bilang isang malaking unang hakbang para makausad ang bansa. Naninindigan ang mga socdem na malakas na estado at mga radikal na pagbabago ng lipunan ang kailangan para malampasan ng bansa sa paraang mapayapa ang kasalukuyang krisis pulitikal at paulit-ulit na paghantong sa ganitong sitwasyon. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended