^

Metro

Binata, dedo sa bugbog

-
Isang binata ang namatay matapos na pagtulungang bugbugin ng 10 na hindi pa nakikilalang mga lalaki na lango sa droga kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Manila Central University ang biktimang si Sonny Limit, ng no. 160 Service Road, East Bagong Barrio, Caloocan City matapos na magtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Service Road malapit sa bahay ng biktima.

Naglalakad ito kasama ang ilang kaibigan nang harangin ng 10 suspect na pawang mga sabog sa droga.

Dahil sa takot ay agad na nagtakbuhan ang mga kasama ng biktima kung kaya’t ito ang pinagtulungang-bugbugin ng mga suspect.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga suspect at tunay na motibo ng pamamaslang. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BATAY

CALOOCAN CITY

DAHIL

EAST BAGONG BARRIO

ISANG

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SERVICE ROAD

SONNY LIMIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with