^

Metro

QC shootout: 5 holdaper utas

-
Limang miyembro ng Waray-Waray Gang ang nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District kahapon ng hapon sa Quezon City.

Pawang mga dead-on-the-spot ang mga suspect na nakilalang si Ethan Nedre, isang alyas Buyo na umano’y lider ng grupo, Dodong, Joseph at Nonong matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Isa pang biktima na nasa ospital ang kinikilala ng mga awtoridad.

Ayon kay Sr. Insp. Rodelio Marcelo ng QCPD-PID, dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang engkuwentro sa may Republic Ave. Brgy. Holy Spirit, QC.

Sinabi ni Marcelo na dalawang linggo na nilang under surveillance ang mga suspect na tangka na namang mambiktima.

Sisitahin nila ang mga ito nang biglang magpaputok ang mga suspect kung kaya’t napilitan na ring gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng lima.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .45, dalawang . 38, .9mm pistol at sumpak ng mga salarin.

Nabatid kay Marcelo na ang mga napatay na suspect ay pawang mga responsable sa sunud-sunod na holdapan at patayan sa lungsod kabilang na ang pagpatay sa pulis na si SPO3 Eden Macairan ng Mobile Patrol Unit at sa isang Chinese national na hinoldap ng mga ito at nakuhanan ng P1.2 milyon payroll money. (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

EDEN MACAIRAN

ETHAN NEDRE

HOLY SPIRIT

MARCELO

MOBILE PATROL UNIT

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REPUBLIC AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with