Ginang nadamay sa gang war, dedo
April 29, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang ginang matapos na tamaan ng ligaw na bala sa ulo nang silipin nito ang nagaganap na riot sa pagitan ng magkalabang grupo ng kabataan, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot nang buhay sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang biktimang nakilalang si Marla Dumaycos, 36, ng 42-C Sto. Niño St., Herbosa, Tondo.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa harapan mismo ng bahay ng biktima.
Nabatid na isang rambol ang sumiklab sa pagitan ng magkalabang mga gang ng mga kabataan na ikinagising ng biktima kung saan sinilip nito sa bintana ang nagaganap sa labas ng kanyang bahay.
Habang nasa bintana, pumailanlang ang mga putok ng sumpak. Dito minalas na tinamaan ang biktima ng isa sa ligaw na bala na sanhi ng kamatayan nito.
Mistulang inutil naman ngayon ang pulisya dahil sa pagkabigo na madakip ang mga kabataan na responsable sa pagkamatay sa biktima at sa hindi mapigil na mga gang war sa lugar. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended