^

Metro

4 pang dagdag na police stations, ipapatayo ni SB

-
Upang higit na maprotektahan ang mga residente ng Quezon City, magtatayo ang pamahalaang lokal ng Quezon ng karagdagang apat na 2-storey police stations sa lungsod.

Sa kanyang panig, sinabi ni Quezon City Mayor Feliciano "SB" Belmonte na malaki ang kanyang paniwala na ang naturang hakbang ang makakaresolba sa mga street crimes na palagiang nabibiktima ay ang mga inosenteng mamamayan. Layunin nito na paliitin ang mundo ng mga masasamang-loob.

Sinabi naman ni City Engineering Head Joselito Cabungcal na ang naturang mga police stations ay itatayo sa P. Tuazon sa kanto ng Planas St. sa Cubao at sa kanto ng Del Monte at Malac Sts. sa Brgy. Masambong sa Batasan Complex at sa may Station 5 sa Novaliches.

Ayon pa kay Belmonte ang pamahalaang lokal ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa mga illegal settlers sa bahagi ng Batasan complex bilang paghahanda sa pagtatayo ng naturang dagdag na police stations.

Sa ngayon ang Central Police District ay may 11 police stations na nakakalat sa apat na congressional districts na ginagamit na tanggapan ng may mahigit sa 2,000 police personnels. ( Angie dela Cruz)

ANGIE

BATASAN COMPLEX

BELMONTE

CENTRAL POLICE DISTRICT

CITY ENGINEERING HEAD JOSELITO CABUNGCAL

DEL MONTE

MALAC STS

PLANAS ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with