Tinatayang nasa 12-talampakan ang haba ng sawa na namataang pagala-gala dakong alas-10 ng gabi sa Champaca St., malapit sa isang creek sa Roxas District.
Ang naturang sawa ay ika-10 na ngayong taon na nahuli at dinala ng mga barangay officials sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Parks and Wildlife Bureau sa naturang lugar.
Naniniwala ang mga residente na umahon mula sa creek ang nasabing sawa upang maghanap ng makakain kung saan ay namataan ito malapit sa isang kulungan ng mga manok at nag-aabang ng makakaing sisiw.
Nagpahayag naman ng kasiyahan ang DENR dahil walang anumang sugat ang sawa nang ilipat sa kanilang pangangalaga. (Doris Franche)