^

Metro

1 pang sawa naggala sa QC

-
Hindi talaga nilulubayan ng mga galang ahas ang Roxas District sa Quezon City matapos na isa na namang sawa ang natagpuan, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lugar.

Tinatayang nasa 12-talampakan ang haba ng sawa na namataang pagala-gala dakong alas-10 ng gabi sa Champaca St., malapit sa isang creek sa Roxas District.

Ang naturang sawa ay ika-10 na ngayong taon na nahuli at dinala ng mga barangay officials sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Parks and Wildlife Bureau sa naturang lugar.

Naniniwala ang mga residente na umahon mula sa creek ang nasabing sawa upang maghanap ng makakain kung saan ay namataan ito malapit sa isang kulungan ng mga manok at nag-aabang ng makakaing sisiw.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang DENR dahil walang anumang sugat ang sawa nang ilipat sa kanilang pangangalaga. (Doris Franche)

CHAMPACA ST.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DORIS FRANCHE

NAGPAHAYAG

NANINIWALA

PARKS AND WILDLIFE BUREAU

QUEZON CITY

ROXAS DISTRICT

SAWA

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with