2 sugatan sa sunog
April 28, 2006 | 12:00am
Dalawa katao ang malubhang nasugatan makaraang ma-trap ang pamilya ng mga ito sa isang nagliliyab na gusali, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Kapwa nasa pagamutan sina Emerlita Libiran, 84 at Charity Villar, 22, ng 55-A Mabini St., ng nasabing lungsod sanhi ng matinding pagkalanghap ng makapal na usok at pinsala sa kanilang katawan.
Nasa ligtas namang kalagayan ang anim pa nilang kaanak na kasama nilang na-trap sa nasusunog na gusali makaraang agad na masagip ng mga nagrespondeng bumbero.
Batay sa ulat , dakong alas-2:22 ng madaling- araw nang tupukin ng apoy ang nasabing tatlong palapag na gusali sa 55 Mabini corner Zamora St., Brgy. 15, Caloocan City.
Mabilis namang nakaresponde ang mga bumbero at habang pinapatay ang apoy ay napansin ng mga ito ang mga biktima na nakulong sa ikatlong palapag ng nasusunog na establisimento.
Agad na nagsagawa ng rescue operation at nasagip ang mga ito.
Nabatid na umabot sa mahigit sa P1.5 milyon ang naabong ari-arian sa nasabing sunog na idineklarang fire-out dakong alas-4:15 ng madaling araw. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended