^

Metro

Liberian miyembro ng ‘Black Dollar gang’ tiklo

-
Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Liberian national na miyembro ng isang sindikato na namemeke ng dolyares matapos na ireklamo ng panggagahasa ng dalawang Pinay sa Sampaloc, Manila.

Kinilala ni Atty. Ruel Lasala ng NBI-National Capital Region ang suspect na si Gucci York, 27, binata, at pansamantalang naninirahan sa Sampaloc, Manila. Nakatakas naman ang isa pa nitong kasamahan na nakilala lamang sa alyas na "Fidel".

Sa imbestigasyon, lumapit sa kanilang tanggapan ang mga biktimang itinago sa pangalang Naty, 23; at Letty, 24. Sinabi ng mga ito na nakilala nila sina York at Fidel noong Abril 23 sa LA Café bar sa Ermita, Manila at nakipagkasundo na makipagtalik sa kanila sa halagang P2,000 bawat isa.

Ikinulong pa umano sila ng mga suspect ngunit nagawa nilang makatakas nitong Abril 26 at agad na nagtungo sa NBI. Mabilis na sinalakay ng mga ahente ang naturang apartment kung saan nadakip si York ngunit hindi naabutan ang suspect na si Fidel.

Nakumpiska naman sa loob ng apartment ang mga ginupit na itim na papel na kasinlaki ng dollar bill. Dito nakumpirma na miyembro ang mga suspect ng grupong "Black Dollar syndicate" na nakaloko na ng napakaraming biktima.

Ayon kay Lasala, inaakit ng mga suspect ang kanilang biktima na bumili ng espesyal na kemikal at ng mga itim na papel na umano’y magiging tunay na US dollars.

Ipapakita pa ng grupo ang pagbuhos ng kemikal sa mga itim na papel na magiging dolyares na inipit lamang nila upang lokohin ang mga biktima. Kapag ipinasuri sa isang bangko, lalabas na genuine ang dolyar at maeengganyo na bumili ng kemikal at itim na mga papel ang mga biktima sa halagang P200,000 hanggang P500,000. (Danilo Garcia)

ABRIL

AYON

BLACK DOLLAR

DANILO GARCIA

DITO

GUCCI YORK

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

RUEL LASALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with