Misa ng pasasalamat ng may 103 death convicts
April 25, 2006 | 12:00am
Isang misa ang isinagawa kahapon sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ng may 103 death convicts kabilang dito ang kumidnap at bumaril sa isang Dela Salle University student na nakatakda na sanang isalang sa lethal injection sa darating na Mayo.
Itoy matapos ibaba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa habambuhay na pagkabilanggo na lamang ang parusa sa kanila. Pansamantalang inilabas sa kani-kanilang mga selda ang may 103 death convicts upang dumalo sa misa kasama ang mga matataas na opisyal ng NBP kabilang si Bureau of Corrections Director Vicente Vinarao.
Nagdiwang ang mga death covicts kabilang dito sina Ruben Soriaga at Boy Roxas, kapwa nahatulan ng kamatayan dahil sa pangingidnap sa isang estudyante ng La Salle.
Sa kabila ng mariing pagtutol ng mga anti-crime group na-commute sa life sentence sa mga bilanggong nahatulan ng bitay. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended