Sinibak sa trabaho, driver nagbigti

Nagpakamatay ang isang 35-anyos na driver sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang sibakin ito sa kanyang trabaho, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Si Christopher Capili, ng 113 Masagana St., Brgy. 73, Samson Rd., nabanggit na lungsod ay nakitang nakabitin sa kisame ng kanyang "live-in partner" na si Annaliza Delloro, 29, dakong alas-2:10 ng madaling-araw.

Nabatid na labis na dinamdam ng biktima ang pagkakasibak nito sa trabaho bilang isang driver ng isang pabrika at hinihinalang naging ugat ng kanyang pagpapatiwakal. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments