^

Metro

Treasure hunting nabuko

-
Nangangamba ang mga estudyante at faculty members ng Philippine School of Business Administration (PSBA), sa Quezon City kaugnay ng nagaganap na umano’y treasure hunting sa loob ng compound ng nasabing kolehiyo.

Sa salaysay ni Rodrigo Manangan, tumatayong supervisor ng mga construction workers, ipinasya niyang isiwalat ang tinaguriang "special project" bunsod na rin ng takot na magdudulot ng pinsala ang paghuhukay ng ginto sakaling magkaroon ng lindol.

Ayon kay Manangan, malaki ang inihina ng pundasyon ng lupa sa PSBA na kaya na ring gumuho sa maliit na lindol matapos umano siyang kontratahin ng isang Dr. Juan Lim, na Vice President for Finance and Treasury ng PSBA kung saan siya din ang tumatayong trusted man nito sa nasabing proyekto.

Sa katunayan, siya pa ang kumuha ng mga construction worker mula sa Cagayan Valley na maghuhukay ng mina.

Lumilitaw na pinasimulan umano ni Lim ang nasabing proyekto matapos na madiskubre ang umano’y underground shelter o tunnel ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong 1998. Natagpuan din dito ang ilang mga sulat-hapon.

Bunga nito, agad na umupa ng grupo si Lim para sa treasure hunting kung saan isang Israeli national ang kinontrata nito bilang project engineer subalit agad ding tinanggal at ipinalit ang isang Eng. Pablo Santos. Umaabot umano sa P150 milyon ang nagastos ni Lim sa nasabing proyekto.

Matatandaan na si Lim ay nabunyag na nameke ng kanyang papeles matapos na ideklara nito na may doctoral degree siya mula sa UST. Mariin namang itinanggi ito ng UST. Hinihintay na lamang ng CHED ang reklamong isasampa ng UST laban kay Lim. (Doris Franche)

CAGAYAN VALLEY

DORIS FRANCHE

DR. JUAN LIM

FINANCE AND TREASURY

PABLO SANTOS

PANGULONG MANUEL L

PHILIPPINE SCHOOL OF BUSINESS ADMINISTRATION

QUEZON CITY

RODRIGO MANANGAN

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with