^

Metro

Ilang opisyal ng pulis-Caloocan dawit sa hijacking

-
Masinsinang pinapaimbestigahan ngayon ni Northern Police District (NPD) director Police Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang pagkakadawit ng ilang opisyal ng pulis-Caloocan sa sindikato ng hijacking makaraang ‘ikinanta’ ang mga ito ng isang grupo ng hijacking syndicate na naaresto noong Biyernes ng hapon.

" I directed my chief DIID to investigate alleged involvement of some Caloocan policemen protecting hijacking activities in conivance with some Chinese financiers," pahayag pa ni Bataoil sa panayam ng PSN.

Bukod sa mga pulis-Caloocan na pinangalanan lamang na mga "Iral" at "Ronquillo" ay may mga matataas na opisyal pa umano ng Caloocan City Police ang isinasangkot sa operasyon ng hijacking na hindi muna pinapangalanan habang isinasagawa pa ang imbestigasyon.

Hindi rin umano magdadalawang-isip si Bataoil na sampahan ng kaukulang kaso at sipain sa kanilang puwesto ang mga pulis na isinasangkot sa nasabing aktibidades kapag napatunayan ang alegasyon laban sa kanila.

Samantala, magsasagawa naman ng monthly evaluation ang pamunuan ng Caloocan City Police sa 18 PCP nito upang walisin ang mga tinatawag na "Bulakbol Cops."

Isang direktiba ang inilabas ni Bataoil kay Caloocan City Police chief Senior Supt. Geronimo Reside para linisin ang hanay ng kapulisan sa Caloocan City na naging kontrobersiyal makaraang masangkot ang ilang kapulisan rito sa ilang iligal na aktibidades. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAOIL

BULAKBOL COPS

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

GERONIMO RESIDE

LEOPOLDO BATAOIL

NORTHERN POLICE DISTRICT

POLICE CHIEF SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with