^

Metro

Parañaque ambush: Kagawad niratrat

-
Agad na nasawi ang isang 55-anyos na barangay kagawad makaraang tambangan ito ng isang grupo ng armadong kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa South Super Highway Medical Center ang biktimang si Ruel Divina, residente at barangay kagawad ng Brgy. Sun Valley, nabanggit na lungsod sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo at iba pang parte ng katawan nito buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente upang alamin ang pagkakakilanlan sa mga suspect at ang motibo ng mga ito sa pamamaslang sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa 565 Alpha Romeo St., Culdesac, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.

Nabatid na katatapos lamang ng biktima na makipagpulong sa ilan niyang mga constituents hindi kalayuan sa bahay nito.

Papasok na umano ang biktima sa gate ng kanyang bahay nang biglang dumating ang armadong mga suspect at agad na pinaulanan ang una ng bala.

Kaagad namang isinugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima ng kanyang mga kaanak subalit minalas na hindi na ito umabot pa ng buhay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALPHA ROMEO ST.

BRGY

CULDESAC

KAAGAD

KASALUKUYAN

LORDETH BONILLA

NABATID

RUEL DIVINA

SOUTH SUPER HIGHWAY MEDICAL CENTER

SUN VALLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with