^

Metro

Meralco tips para bumaba ang konsumo ng kuryente

-
Nagpaalala si Meralco Vice-President for Corporate Communication Elpi Cuna sa lahat ng kanilang kostumer na maging maabilidad sa paggamit ng kuryente lalo na ngayong tag-init na dito naitatala ang pagtaas ng consumption levels.

" Sa ganitong hot summer months inaasahan ang pagtaas sa consumptions levels ng ating mga kostumer", pahayag ni Cuna.

Ipinaalala nito na ang mga simpleng paraan na madalas na nakakaligtaan ang siya sanang makakatulong para mapababa ang konsumo ng kuryente partikular sa mga households.

Kabilang dito, ang paggamit ng compact fluorescent lights imbes na incadescent bulb, pamamalantsa nang isahan at hindi madalas na pagbukas ng pinto ng refrigerators.

Binanggit pa nito na ang mga kasangkapan o appliances ay magiging mas epektibo at kokonsumo lamang ng maliit na energy kung ito ay nasa maayos na kondisyon.

Para naman magabayan ang mga consumers sa kanilang electricity usage, nagtalaga ang Meralco ng Meralco Appliance Calculator o MAC sa mga pangunahing appliance stores. Ang MAC ay isang computer-aided device na magko-compute sa consumption amount ng mga common household appliances tulad ng telebisyon, air conditioner, computer, refrigerator at etc.

Tutulungan nito ang mga consumers para ma-utilize ang kanilang mga gamit sa bahay.

Ang paggamit ng MAC Info Kiosks ay libre.

Para sa iba pang impormasyon sa Meralco’s energy saving tips kabilang ang access sa MAC, maaaring bisitahin ang Meralco’s website sa www.meralco.com.ph o makipag-ugnayan sa Call Center hotline sa 16211.

BINANGGIT

CALL CENTER

CORPORATE COMMUNICATION ELPI CUNA

CUNA

INFO KIOSKS

IPINAALALA

MERALCO

MERALCO APPLIANCE CALCULATOR

MERALCO VICE-PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with