^

Metro

13 hijackers arestado

-
Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng Northern Police District-District Intelligence Investigation Division (NPD-DIID) at ng Quezon City Police District ang magkapatid na lider ng isang kilabot na hijacking syndicate at labing-isa pang mga galamay ng mga ito sa isinagawang raid sa hide-out ng mga suspect, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Ayon sa ulat dakong alas-4:30 ng hapon nang salakayin ng operatiba ang isang bodega sa 28 M.H. del Pilar St., sa kanto ng 2nd Avenue ng nabanggit na lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa magkapatid na Ramos na sina Joel, 25 at Bromwel, 33 .

Ang mga galamay naman ay nakilalang sina Sonny Halog, 48; Leonilo Lipa, 32; Placido Venerable, 50, Bevinildo Betangol, 62; Emmanuel Velasco, 34; Anthony Cabido, 53; Antonio Tangon, 53; Alex Cruto, 35; Mary Cecille Tamambo, 37; Rhea Lacapo, 22 at Rosalie Amagos, 24.

Nasamsam ng operatiba sa nasabing raid ang tinatayang 45 tons ng steel plate na umaabot sa mahigit sa isang milyon.

Napag-alaman na ang nasabing lethal plates ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng mga barko at lantsa.

Sinasabing nakumpiska rin mula sa posesyon ng mga suspect ang hindi pa madeterminang dami ng shabu at ilan pang mga ‘hot items’.

Ang mga nakumpiskang kagamitan ay pawang nakulimbat ng mga suspect mula sa kanilang hijacking activities.

Pinakahuli rito ay ang ginawang pangha-hijack sa isang Isuzu 10-wheeler truck na may plakang TGU-957 sa Judge Juan Luna St., Brgy. Bungad, Baler sa Quezon City na naglalaman ng 65 piraso ng lethal sheet.

Nabatid sa rekord ng pulisya na ang magkapatid na Ramos at mga kasamahan nito ay grupo ng isang kilabot na hijacking syndicate na matagal ng minamanmanan ng mga awtoridad.

Kasama rin sa mga inaresto ng operatiba ang dalawang Chinese nationals na nagmamay-ari ng sinalakay na bodega.

Samantala iniulat din na ‘ikinanta’ ng ilan sa mga naarestong suspect na ilang pulis-Caloocan ang umano’y kakutsaba at protektor ng mga Chinese financier sa talamak na hijacking activities sa Metro Manila. (Rose Tamayo-Tesoro at Doris Franche)

ALEX CRUTO

ANTHONY CABIDO

ANTONIO TANGON

BEVINILDO BETANGOL

CALOOCAN CITY

DORIS FRANCHE

EMMANUEL VELASCO

JUDGE JUAN LUNA ST.

LEONILO LIPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with