Lingguhang taas-krudo lumarga na
April 23, 2006 | 12:00am
Sinimulan na ng mga kompanya ng langis ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa paglobo ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.
Ang pagtaas ng 50 sentimos kada litro ng presyo ng diesel, gasoline at kerosene ay naramdaman simula kahapon ng hatinggabi.
Ayon kay Ramon Villavicencio, tagapagsalita ng Flying V, hindi na nila kayang pasanin ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo dahil sa paglobo ng presyo nito sa world market na napag-alaman na umabot sa $87 kada bariles.
"It seems na wala nang katapusan ang pagtaas ng presyo nito (world market), nung isang linggo nasa $75 per barrel lang; ngayon umabot na sa $87 per barrel," pahayag ni Villavicencio.
Bukod sa Flying V, Shell, Petron at Caltex ay inaasahan pang susunod ang iba pang independent oil players.
Dahil dito, nagsasagawa na ng pagpupulong ang pamunuan ng Department of Energy (DOE) kung paano mapapagaan sa mga motorista ang serye ng oil price hike na mararamdaman hanggang Hunyo.
Sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang P1 kada litrong diskuwento sa presyo ng diesel ng mga kompanya ng langis sa mga jeepney at bus driver.
Samantala, nakatakdang magsumite ng petisyon sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang malaking grupo ng transportasyon upang humingi ng dagdag pasahe.
Sa panayam kay Philippine Confederation of Drivers Operators-Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO) President Efren de Luna, nakatakda silang magtungo sa tanggapan ng LTFRB sa darating na Biyernes upang isumite ang kanilang P1.50 fare hike petition dahil sa hindi na nila umano kaya ang sunud-sunod na oil price hike ng mga kompanya ng langis.
"Paano naman kaming mga tsuper, halos hindi na makagulapay sa pamamasada at ang malaking bulto ng kita namin ay napupunta sa gasolina," pahayag ni De Luna.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended