^

Metro

NAPOLCOM examiner timbog sa kotong

-
Isang ginang na examiner sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang inaresto sa aktong kinokotongan ang isang biyuda ng pulis na nagke-claim ng benepisyo sa naturang ahensiya, kamakalawa.

Positibo sa ultra violet powder ang suspect na si Carmen Reboredo, fiscal examiner sa head office ng NAPOLCOM sa Makati City na sasampahan ng kasong kriminal at administratibo dahil sa paglabag sa Republic Act. No. 3019 o anti-graft and corrupt practices act.

Kinilala naman ang nagharap ng reklamo na si Charito Perez-Reyes, biyuda ni PO3 Armando Reyes.

Ayon sa sumbong ng biyuda, hinihingan umano siya ni Reboredo ng halagang limang libong piso upang mapabilis anya ang pagsasaayos ng mga papeles para sa kine-claim niyang benepisyo ng yumao niyang asawa.

Mabilis namang nakipagkasundo ang biyuda sa suspect, gayunman lingid sa kaalaman ng huli nagtungo ang una sa himpilan ng PNP-CIDG upang ireklamo ang pangongotong nito.

Dakong alas-3 ng hapon isinagawa ang entrapment operation laban kay Reboredo mismo sa tanggapan ng NAPOLCOM. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARMANDO REYES

AYON

CARMEN REBOREDO

CHARITO PEREZ-REYES

DAKONG

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NATIONAL POLICE COMMISSION

REBOREDO

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with