^

Metro

Armory ng Army nasunog

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -
Bultu-bulto ng mga armas at bala at mga bagong combat boots ang naabo makaraang masunog ang dalawang gusali ng armory ng Phil. Army sa Fort Bonifacio sa Makati City kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni Army Spokesman Major Bartolome Bacarro, pasado alas-3:15 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa 9th Ready Reserve Division Headquarters Building at mabilis na kumalat sa katabing Regional Command Defense Group building.

Agad namang isinantabi ni Bacarro ang anggulong sinabotahe o sadyang sinunog ang nabanggit na armory bagkus nilinaw nitong faulty electrical wiring umano ang pinag-ugatan nito base sa resulta ng inisyal na imbestigasyon base na rin sa salaysay ng nakasaksing security guard sa insidente.

Umabot sa 5th alarm ang insidente na nagpaabo rin sa may 185 na M16 at M14 rifle at dalawamput-limang libong bala at mga combat boots, habang 80 armas na lamang ang naisalba. Naapula ito dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Bandang alas-5 ng madaling-araw nang tuluyang maapula ang sunog matapos na magresponde ang mga elemento ng Fire Trucks ng Phil. Army at Phil. Air Force.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Bacarro patuloy pa ang isinasagawang imbentaryo upang alamin ang eksaktong bilang ng mga nasirang war materials at supply.

Kaugnay nito, maugong naman ang balitang umano’y sadyang sinunog ng ilang sundalo ang nabanggit na gusali dahil sa reklamong mabagal na usad ng promosyon, reklamo sa allowance at hindi maayos na pamamalakad ng ilang opisyal dito.

Nabatid na minsan nang idinaing ng ilang enlisted personnel ang kahigpitan ng ilang opisyal na nagpapababa sa kanilang moral.

vuukle comment

AIR FORCE

ARMY SPOKESMAN MAJOR BARTOLOME BACARRO

BACARRO

BANDANG

BULTU

FIRE TRUCKS

FORT BONIFACIO

MAKATI CITY

READY RESERVE DIVISION HEADQUARTERS BUILDING

REGIONAL COMMAND DEFENSE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with