^

Metro

Estudyante inatado ng mag-utol

-
Nasawi ang isang 18-anyos na estudyante matapos na ataduhin ng saksak ng magkapatid na napikon sa umano’y pagdadamot ng una sa mga huli ng pambili ng alak, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan ang biktimang si Cleo Lopez, ng Block 1, Lot 22, Phase 4, Letre Road, Brgy. Tonsuya ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nakapiit matapos na maaresto ng mga nagpapatrulyang barangay tanod si Ramil Andriatico, 39, habang pinaghahanap pa ang kapatid nito na si Raul, 37.

Ayon kay PO3 Benedicto Zafra, may hawak ng kaso, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 2, Letre, Tonsuya.

Nabatid na patungo sana sa isang tindahan ang biktima kasama ang kaibigan nitong si Jimboy nang biglang salubungin ng mga suspect at hiningian ng pang-inom.

Tumangging magbigay ang biktima ng pera sa mga suspect na labis namang ikinairita ng mga huli, hanggang sa bumunot ang mga ito ng patalim at kapwa inundayan ng sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang una. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

BENEDICTO ZAFRA

BRGY

CLEO LOPEZ

LETRE ROAD

MALABON CITY

PAGAMUTANG BAYAN

RAMIL ANDRIATICO

ROSE TAMAYO-TESORO

TONSUYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with