1 pang tulak itinumba
April 20, 2006 | 12:00am
Isa na namang pinaniniwalaang tulak ng droga ang pinatay ng isang grupo ng vigilante saka itinapon sa harapan ng sinalakay na palengke ng shabu, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan ay tinatayang nasa gulang na 33-35, may taas na 53 talampakan at may tattoo sa balikat at likod.
Sa imbestigasyon ni PO2 Norman Barcelano, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6:15 ng umaga sa gilid ng kalsada sa Mapayapa Compound na matatagpuan sa kahabaan ng F. Soriano St., Brgy. Sto. Tomas ng nabanggit na lungsod.
Lumalabas sa imbestigasyon na itinapon lamang sa napagtagpuan lugar ang biktima at hindi doon isinagawa ang aktuwal na pagpaslang dito.
Ito na ang ikalawang bangkay ng hinihinalang tulak ng ilegal na droga na itinapon sa harapan ng natuklasang shabu tiangge. Matatandaang nito lamang nakaraang buwan ay natagpuan din sa lugar ang bangkay ng isang alyas "Boy Idol", maintainer ng nasabing drug den na tadtad rin ng tama ng bala ng baril at may nakapaskil na "Ito ang sasapitin ng mga drug pusher sa Pasig- Vigilante".
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya ukol sa magkakasunod na patayan sa lugar. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am