^

Metro

Tondo demolition inulan ng bomba at bato

-
Naging marahas ang tangkang demolisyon sa isang squatter’s area sa Baseco Compound sa Tondo matapos na paulanan ng mga molotov bomb at malalaking tipak ng bato ng mga galit na residente ang demolition team at miyembro ng pulisya, kahapon ng umaga sa Maynila.

Dalawa sa mga residente ang iniulat na dinakip ng mga miyembro ng MPD-Special Weapons and Tactics Unit ngunit nagawa ring makatakas sa kaguluhan, habang anim na molotov bomb ang nakumpiska.

Ilan naman sa mga demolition team ang nasugatan sa pambabato kung saan isa rito ay nakilalang si Eduardo Sangal, ng Manila City Engineer’s Office.

Nabatid sa ulat na rumesponde sa naturang lugar ang mga miyembro ng SWAT matapos na humingi ng alalay si Engr. Joseph Bulanon ng Manila City hall sa isasagawa nilang demolisyon.

Sinabi nito na may hawak silang kautusan buhat sa korte para isakatuparan ang demolisyon matapos na mapatunayan na pawang hindi mga orihinal na residente ng Baseco Compound ang mga naninirahan sa dulo nito na hindi naisailalim sa housing project ng Habitat Foundation at ng gobyerno.

Nagsagawa naman ng barikada ang mga residente nang dumating ang demolition team hanggang sa magpaulan na ng mga bato at molotov bomb. Natigil lamang ang naturang kaguluhan nang rumesponde ang mga pulis at tutukan ng baril ang mga nagwawalang residente.

Binigyan naman ng isang linggong taning ang mga residente upang magpakita ng mga sapat na dokumento na nagpapatunay na lehitimo silang residente at hindi dayo lamang sa lugar.

Ayon naman sa mga nagrereklamong residente, may bahid ng politika ang pagpapatalsik sa kanila sa naturang lugar matapos na hindi nila suportahan ang kandidatura ng anak ni Manila Mayor Lito Atienza kundi ang nanalong si Congressman Joey Hizon.

Nabatid na ito na ang ikatlong pagtatangka na magsagawa ng demolisyon sa lugar ngunit nabigo pa rin. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BASECO COMPOUND

CONGRESSMAN JOEY HIZON

DANILO GARCIA

EDUARDO SANGAL

HABITAT FOUNDATION

JOSEPH BULANON

MANILA CITY

MANILA CITY ENGINEER

RESIDENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with