PAL flight nadiskaril
April 19, 2006 | 12:00am
Dalawang daan at siyamnaput limang pasahero at labing-dalawang crew ng Philippine Airlines domestic flight ang pinag-adya sa tiyak na kapahamakan makaraang bumalik sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sanhi ng mechanical trouble.
Sa ulat na tinanggap ni Engr. Octavio Lina, chief ng Airport Operations, 14 na minuto nang nasa himpapawid ang eroplano nang maramdaman ng piloto na nakilala lamang sa pangalang Capt. Samedra na may sira sa landing gear ng eroplano.
Ayon kay Lina, dakong alas-10:40 ng umaga nang umalis ang PAL flight PR-811 patungong Davao na may lulang 295 pasahero at 12 crew members, kabilang na ang pilotong si Samedra at co-pilot E.M. Regino.
Ngunit habang naglalayag na ang eroplanong Airbus 340, may A/C registered F-OHPK sa himpapawid ng halos 14-minuto ay naramdaman ng piloto nito ang depekto.
Sa initial investigation, natukoy na ang naging sira ng naturang eroplano ay ang landing hydraulic nito. Ang nasabing bahagi ng aircraft ay ang nagsisilbing landing gear na nagkaroon umano ng malfunction na lubhang mapanganib kung itutuloy pa ang paglipad nito.
Dakong alas-10:45 ng tanghali nang matagumpay na nakalapag ito at iniulat na ligtas ang lahat ng mga pasahero at crew members nito. Wala ring iniulat na nasaktan sa nasabing emergency landing.
Sinabi pa ni Lina na bunga ng matinding sirang tinamo ng flight PR-811 ay ipinasya ng pamunuan ng PAL na magpalit na lamang ng eroplanong gagamitin sa pagtungo sa Davao para tiyaking ligtas ang paglalakbay nito. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended